Kalabaw
Itinuturing na Pambansang Hayop ng Pilipinas, ang Kalabaw (Bubalus bubalis) ay ang matalik na kaibigan ng magsasaka at ang masasabing pinakamahalagang hayop sa mga palayan. Ito ay ginagamit sa pagdadala ng mga produkto patungo sa pamilihang-bayan at isa ring magandang pinagkukunan ng gatas at karne. Anuwang ang katawagan nito sa lumang Tagalog at Nuwang naman sa mga Ilokano.
Sa kasalukuyan, may 3.2 milyong kalabaw na matatagpuan sa Pilipinas
2.pambansang puno
Narra
Dahil ang punong narra ay sumisimbolo ng katatagan ng isang Pilipino. Kahit ilang bagyo pa ang dumaan ito ay hindi basta basta nabubuwag o natutumba. Katulad din ng isang Pinoy. Sa kabila ng napakaraming pagsubok na dumarating sa buhay, nananatili pa rin itong lumalaban, matatag at napapatagumpayan ang bawat problema. At ang kulay pulang dagta na umaagos sa puno nito ay simbolo rin ng katapangan na siyang katangian din ng mga Pilipino. Matapang na ipinaglaban ng ating mga ninuno ang karapatan nating maging malaya sa ating sariling bansa na patuloy ding ginagawa ng karamihan sa ating mga kababayan. Hindi takot lumaban ang mga Pilipino, lalo na kung sa kabutihan.
3.pambansang bayani
Jose Rizal
Si Jose P. Rizal (i. 19 Hunyo 1861 — k. 30 Disyembre 1896) na may buong pangalang José Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda, ay ang Pambansang Bayani ng Pilipinas na lumaban sa mga kastila sa pamamagitan ng kaniyang mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo noong panahon ng pananakop ng Espanya sa bansa. May angking pambihirang talino, siya ay hindi lamang isang manunulat ngunit isa ring magsasaka, manggagamot, siyentipiko, makata, imbentor, iskultor, inhinyero, kuwentista, lingguwista, at may kaalaman sa arkitektura, kartograpiya, ekonomiya, antropolohiya, iktolohiya, etnolohiya, agrikultura, musika (marunong siyang tumugtog ng plawta), sining sa pakikipaglaban (martial arts), at pag-eeskrima[1].
4 pambansang bulaklak
Sampaguita
dahil ito ang nakita nila na mass magandang maging ating pambansang bulaklak kaya yun ang ginawag pambansang bulaklak..nag ating bansa..